~Man In Black~

Sanay na akong makakita o makaramdam ng multo isa akong nurse sa isang kilalang hospital sa Manila. Marami akong ghost stories mula pagka bata hanggang maging nurse nako. I’m some what clairvoyant yan ang term na nababasa ko sa mga book ng PSICOM. I share ko lang ang mga stories ko and sana magustuhan ng mga readers. Tawagin nalang natin tong 1st story ko na MAN IN BLACK.

First year college na ako noon about 5 years ago, year 2004. Nag aaral ako sa isang sikat na Nursing school sa Metro Manila, wala namang kakaiba sa 1st semester ko as college student. Ang kakaiba lang e marami na akong na mi meet na friends and naging mga barkada ko na. After namin matapos ang 1st semester, nag plano kami na mag celebrate dahil wala saming bumagsak mag kakaibigan, sa hirap kasi sa school namin maka kuha kalang ng grade na kahit 79.9% per subject e kick out kana. Kaya masaya kami at kumpleto pa kami dahil madami ang natatangal sa batch namin per sem.

Nag decide kami na mag party nalang sa bahay ko sa Muntinlupa, walang tao doon dahil buong pamilya ko e asa Pasay nangungupahan. Mga 3 times a year lang kami umuwi doon at tita ko lang ang tumatayong care taker ng bahay na kapit bahay lang naman namin doon. Nagpaalam ako sa aking mga magulang na mag paparty kami doon at agad naman silang pumayag dahil alam naman nilang nag sisikap kami mag aral at yun ay pag rerelax lang after a stressful semester.

Nag party kami dun, nag luto, nag ihaw, nag inuman hanggang gabi. Nalasing ako dahil marami akong nainom. Nagising nalang ako wala na ang mga barkada ko nakahiga na ako sa kama at may sulat sa tabi ko na nagpapaalam na umuwi na sila. Medyo nainis ako sa sarili ko dahil 1st time ko nalasing sa buong buhay ko at hindi ko tuloy sila naasikaso sa pag uwi nila.

Kinaumagahan nag punta ako sa tita ko para mag kape at kamustahin sila. Wala naman naging problema sa pag uwi ng mga barkada ko dahil inasikaso naman pala sila ng tita ko habang tulog ako. Pag katapos ko mag agahan bumalik uli ako sa aming bahay para mag hugas ng mga kalat na naiwan sa lababo, ng mapatingin ako sa sala meron akong nakitang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan, naka kulay black na t-shirt, hindi siya mukang multo dahil hindi siya malabo, para lang siyang ordinaryong tao. Naka talikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha. Sa pag kurap ng aking mata bigla nalang siyang naglaho. Sabi ko pa sa sarili ko multo lang yan, bakit ako matatakot. Hindi naman ako takot sa multo dahil sanay na nga ako makakita, so pinag patuloy kolang ang ginagawa ko. Ng matapos ako mag hugas, nag walis naman ako sa may kwarto. Doon nakita ko siyang naka upo sa harap ng computer hindi gumagalaw pero these time in a form of smoke na siya na hugis tao. Hindi ko parin siya pinansin kasi nga hindi naman ako takot sa multo. Ng palabas nako sa pintuan para bang nagalit siya dahil hindi ko manlang siya pinapansin at hindi manlang ako nakakaramdam ng takot. Ang mga sumusunod na mga pangyayari ay 1st time kolang naranasan sa buong buhay ko sa experience ko sa mga multo. Biglang nag bagsakan ang mga gamit sa kwarto. Sarado lahat ng bintana at pintuan. Ako lang ang tao sa bahay. Yung mga teddy bear, barbie, doll house ng kapatid ko biglang nag bagsakan Doon nakaramdam na ako ng takot at agad akong pumunta sa tita ko. Kinuwento ko sakanya ang nangyari, tinanong niya ako bigla na Dada “ang nick name ko”. Lumabas kaba sa front door ng bahay? kanina mga alasais ng umaga at naka kulay black kang damit? Sabi ko hindi tita 7 na ako nagising pumunta panga ako sainyo diba at nag kape, at hindi ako naka black, white ang suot ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Ayon sa tita ko nag wawalis daw kasi siya sa labas ng bakuran ng may naaninag na lalaking naka itim na lumabas sa pinto ng tignan niya kung ako daw yun nag taka siya na wala naman palang tao. Dun namin napag tugma na yung lalaking nakita ko at nakita niya ay iisa. Natakot kami ayaw na niya akong paluwasin pabalik sa Pasay dahiil natatakot siya mag isa dahil ang mga anak niya ay pumapasok pa. Tumawag ako sa amin sa Pasay kinuwento ko ang mga nangyari at nag pasyang samahan nalang ang tita ko hanggang bumalik ang kanyang asawa na naka destino sa isang probinsya.

Hindi ako natulog noon sa bahay namin, naki tulog ako sa tita ko sa takot sa lalaking naka itim. Nang sumunod na araw may bumisita sa tita ko na kumare niya.Ikinuwento namin ang mga naganap sa aking bahay. Maya maya kakaiba ang aking naramdaman bilang isang taong malakas ang pakiramdam sa mga spiritual na bagay. Mayroon akong naramdaman na galit sa aking paligid. Tila may nakatingin sa amin at nagagalit. Sabi ko tita tama na wag na natin siyang pag kuwentuhan andun siya sa kusina niyo nagagalit at pinag uusapan natin siya. Natakot kami pero kailangan ni tita na pumunta sa kusina dahil may niluluto siya. Nang papunta na siya sa kusina biglang tumalsik ang kutsara o spoon mula sa lalagyan nito at tumama sa kanyang likuran. Kitang kita namin ng kumare niya kung panu tumalsik sa kinalalagyan ang kutsara patungo sa tita ko. Doon ko napatunayan na tama ang pakiramdam ko na galit na nga ang lalaking itim.

Pinag iisipan namin kung bakit kaya nagkaron ng ganoong multo sa bahay. Sabi ng tita ko hindi na nakakapag taka dahil minsan lang kami sa isang taon umuwi doon. Laging walang tao kaya tinitirhan ng multo. Nang sumunod pa na araw dumating na ang tito ko mula probinsya. Kinuwento namin ang nangyari. Hindi siya naniniwala sa multo, sabi pa niya matakot kayo sa buhay wag sa patay, sakalin ko pa yang multo nayan e. Pakiramdam ko sinasabi niya lang na walang multo para hindi na kami matakot. Pero naniniwala naman siya. Tumawag ang mga lola ko na kilala bilang isang manggagamot. Hindi isang doktor kundi isang albularyo. Marahil sa kanya ko namana yung aking abilidad na spiritual dahil ang kuya ko at ang tita ko na kasama ko that time e malakas din ang pakiramdam sa mga hindi maipaliwanag na bagay. Sinabi ng lola ko na buksan lahat ng bintana sa bahay para lumiwanag, mag patugtog ng radio para mag alisan ang mga multong naninirahan sa bahay namin. Agad namin itong ginawa. Tanghali pa noon mataas ang sikat ng araw. Nasa bahay kami ng tita ko at sa lakas ng pagpapatugtog namin sa bahay namin e rinig padin sa bahay ng tita ko na katabi lang ng bahay namin. Maya maya biglang nawala ang tugtog. Nagtaka kami kaya pinuntahan namin ang karaoke sa bahay. Nagulat kami ng makita naming naka pihit na sa isang blank station ang karaoke. At ang tunog lang na maririnig e shsssssss……

Nagpasya nakong umuwi sa Pasay kinahapunan. Tutal andun naman na ang tito ko para bantayan ang tita ko. Hindi na nila tinangkang pakialaman pa ang bahay. Nagpasya nalang kami na ipa bless ito sa lola ko pag uwi namin pamilya doon sa darating na undas o araw ng mga patay. Tutal isang buwan nalang naman yun. Pag dating ng undas umuwi kami doon buong pamilya at agad namin pinapunta ang lola ko para ipag dasal ang bahay. Gabi namin ginawa ang ritual gumawa kami ng insenso para pausukan ang bahay mula sa malawak na garden sa likod ng bahay na marami ding matatandang puno na maaaring tirhan ng mga hindi natin kauri. Sabi ng lola ko “Dada” ikaw nalang ang isasama ko mag suot ka ng pula para layuan ka ng maligno, ikaw lang ang isasama ko dahil sanay ka na, dahil kung sila mama mo ang isasamo baka hindi nila kayanin ang maaaring makita nila. Nilibot namin ang bakuran hangang loob ng bahay. Nagdarasal at nag papausok ng insenyo sa bawat sulok. Wala naman kaming nakita pero nararamdaman namin kung saang sulok ng bahay mayroon elementong namamahinga. Talagang pag mayroon sa sulok nayun tumitindig ang mga buhok ko sa katawan at nag kakatugma kami ng lola ko kung saan mayroon kakaibang energy kaming nararamdaman. After namin gawin ang mga ritual, nag dasal ang lola ko sa likod ng bahay mag isa. Meron siyang maliit na diary at andun ang dasal niyang naka sulat sa wikang Latin. After noon. Naging tahimik na ang aming bahay hangang bumalik kami sa Pasay. Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang mga katatakutan. Dahil kada taon iba ibang elemento ang nakakasalamuha namin sa bahay na iyon dahil nga hindi natititran e binabahayan muli ng mga multo. Madami ng mga nakapag patunay dahil lahat ng pinsan kong nag tangkang makitulog dun hindi tumatagal, kahit mga kamaganak o kaibigan na nakitulog dun hindi pinalalagpas ng katatakutan. Kadalasan naman daw nagpapakita sa kanila ay White Lady. And sa kwarto ko lagi nag papakita. Hindi ko pa nakita itong white lady na to kahit kailan. Naniniwala ako na baka binabantayan niya ako at ang bahay. Kaya kapag may ibang tao sa kuwarto ko tinatakot niya. Sana nagustuhan niyo ang istorya ko. Mahaba siya pero madami pa akong kababalaghan na maikukwento. Bilang isang Nurse ngayon mas lumalawak ang karanasan ko sa mga spiritual na bahay dahil madaming namamatay sa ospital at hindi maiiwasang makakita ako ng multo lalo na kapag Night Shift ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender #9 : Jan Michael Sy

Age : 21

Gender : Male

Location : Pasay City

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: