~Sundo~

Ako ay isang Nurse at may Profession isa sa kilalang  Hospital sa Metro Manila. Ang Hospitals ay maraming ibat-ibang klase ng ghost, Sa tinggin ko mas marami pa kung ikukumpara sa sementeryo. Bakit? Kasi kapag namamatay ang mga tao, ang kanilang kaluluwa ay gumagala parin kung saan mismo sila pumanaw.


At karamihan sa namamatay ay sa loob mismo ng hospital kaya ang kanilang spiritu ay nagala parin doon. Di tulad sa sementeryo mga naaagnas nalang na bangkay nila ang naroon at nakabaon sa lupa. Ibabahagi ko sa inyo ang isa sa di ko malilimutang karanasan ng makaencounter ako ng supernatural. Pamagatan nalang natin itong”SUNDO”

PM shift duty ako noon 3pm to 11pm ang duty ko around 3rd week of October 2009. 3 kaming duty na nurse noon and I’m the only boy that time. We have a critically ill patient. An old woman attached to a mechanical ventilator to help her breath. Around 4pm nag bibiruan pa kami kung ganu katagal pa siya mabubuhay. Kasi base on our assessment pangit na talaga ang kondisyon niya and hindi na talaga tatagal pa. Kanya kanya silang hula ng time. ako sabi ko ma’am 5pm is my deadline. Sabi nila, ah? Tagala? O sige let’s see.

So ayun ginawa namin ang trabaho namin, madaming pasyente nung mga panahon iyon busy din kami. At exactly 5pm naka-upo ako sa station kasama ko ang kaco-nurse tawagin nalang natin sa pangalan na marry, and yung isang nurse e umalis lang sandali so dalawa lang kaming A.S.A Station ng biglang may maaninag akong spirit just beside me passing the nurse station going to the patients ward. He is wearing a white t-shirt, short hair, about 5’3 in height. Alam kong multo siya dahil malabo siya, hindi mo makikita ang mukha, and the way he moves para siyang lumulutang. Saglit kolang siya nakita and bigla din nawala in my naked eye. Bilang isang clairvoyant may parang mental telephaty na nag sabi sa isip ko na yun na ang sundo nung isa naming pasyente.

Madalas sakin mangyari yung parang may kumakausap sakin sa isip. One time sa bahay ng classmate ko habang kumakain kami sabi ko sakanila may kasama tayo hindi tao, lalake siya asa mid 40’s. Sabi nung classmate ko na may-ari nung bahay nakikita mo tito ko? dead anniversary these week dito siya namatay sa bahay. Binangungot hindi na nagising. Nagulat ang lahat kung panu ko nalaman na lalake and pati yung age bracket. Sabi ko hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko kung asan and parang may nag sasabi sa isip ko nung description na kung bata o matanda. Kung boy o girl siya.

Well back to the story bigla kong sinabi sa kasama ko na si nurse Marry na ma’am… Malapit ng mamatay isa nating patient. Nagulat siya, sabi niya huh?!! Panu mo nasabi? I said ma’am andito na sundo niya dumaan na. Natakot siya at tumabi sakin, sabi niya wag kang mag bibiro ng ganyan. Sabi ko ma’am I’m not joking. Then may dumaan na isang relative ng pasyente sa station biglang sabi niya ang lamig ha. Naramdamamn kodin yung lamig nayun humangin ng malamig. Pero that time maalinsangan and mainit talaga ang panahon. What i did is kinuha ko na ang stetoscope para i assess na yung pasyente ko. Kasi nga alam kong mamamatay na siya. Pag puntang pag punta ko nag zero na yung heart rate niya. Kitang kita kasi naka hook siya sa isang machine na tinatawag na cardiac monitor. Bumalik ako agad sa station and sinabi ko agad sa doctor. Natakot ang mga kasama ko dahil nag ka totoo ang hula ko na 5pm siya mamatay and mas natakot pa sila dahil nung sinabi kong nakita kona yung sundo e namatay nanga talaga. Mula noon ay lagi na silang nag tatanung kung may nakikita nakong susundo. Pero as of now wala panaman ulit. 1st time kopalang yun makakita ng sundo and I know marami pakong kababalaghan na makikita habang tumatagal ako sa pagiging isang nurse.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender #5 : Jan Michael Sy

Age : 21

Gender : Male

Location : Pasay City

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: