~Balon~

Isang gabi nagkayayaan daw sialng magbabarka na pumunta sa peria, kaso sa probinsya nga sila ang layo daw ng dadayuhin nila para makapunta sa peria, kumbaga lalakad pa sila sa kabilang bayan para makapunta doon. Malayo ang nilakad nila inabot sila ng isang oras sa pag lalakad.

Nang makadating sila sa periahan edi nagka siyahan nga sila, mga 9pm nag decide yung friend ko na tawagin nalang nating ken na umuwi na, kasi mag lalakad pa siya pabalik eh walang masyadong ilaw ang daan and aabutin nanaman siya ng mahigit isang oras pabalik. Pumayag naman ang mga kasama niya na mauna na siya sabay bigay ng payo na mag ingat siya dahil madaming kababalaghan sa lugar nila. Tinagap naman niya ang paalala.

Pagkatapos ng ilang minutes ng paglalakad, nakadating siya sa isang malawak at diretsong kalsada na walang masyadong poste ng ilaw. Walang mga bahay doon at walang mga tao. Meron siyang nasalubong na lalake na pasusuray-suray. kinausap siya, hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil medyo parang bulol, nagulat nalang siya ng biglang kumuha ng balisong at sinaksak siya, buti nalang lasing yung lalake kaya mabagal, naiwasan niya ito at tumakbo palayo, sabi pa niya sa sarili niya ang malas ko naman muntik pako masaksak.

Pagkatapos ng  ilang minuto pa ng pag lalakad e meron naman siyang nakitang mga tao na nakahawak kamay at nakaharang sa daraanan niya. Lahat ito ay naka belong itim at hindi mo maaaninag ang mukha sa dilim. Para daw silang mga kulto, matapang siya kaya hindi niya inintindi ito, derecho lang siya sa paglalakad papalapit sa mga naka belo. Matagal ng balita iyon sakanila kaya walang naglalakas ng loob maglakad mag isa sa kanila pag-gabi, habang papalapit siya ng papalapit biglang nag laho ang mga naka belong itim. Napa hayy… siya at sabing ang malas ko talaga kung anu-anu ang nangyayari sakin ngayun.

Hindi kalayuan sa bahay nila may isang balon, sa gilid nito ay may isang malaking puno ng balete, napapabalitang may nag papakita doon ng WHITE LADY. Kaya umiiwas doon ang tao paggabi. Bisyo nilang mag kakabarkada na pagnapapa daan dun sa balon paggabi e tumatakbo sila kahit madilim, halos hindi munadaw makita kung nasaan yung balon sa dilim ng lugar, pero kabisado daw nila yung butas ng balon kaya alam nila kung kailan sila tatalon para maiwasan ito. Hindi sila naglakad dun dahil nga takot sila sa white lady sa katabing puno ng balon. Lagi silang tumatakbo pag inaabot sial ng dilim dun sa lugar na iyon.

Pero nung oras na iyon nag-iisa na siya, walang kasama na mag papatapang sakanya sa white lady. Hinamon niya ang sarili niya, sabi niya tulal muntik nako masaksak, may haharang pa na mga taong nakabelo sakin, e bakit hindi kupa subukan ang malas ko kung may white lady nga. So that time imbis na tumakbo nag lakad siya hangang makadating sa balon, nag hugas pa siya ng paa dun dahil maalikabok ang daan ng biglang may sumitsit sakanya, Pssst.. sabi ng tunog, pag lingon niya sa pinangalingan ng tulog, sa gilid niya e ang katabing puno ng balete and biglang sumulpot dito ang sinasabing white lady, palapit ito sakanya, sinubukan niyang maging matapang at tignan lang ito habang lumalapit sakanya ng biglang may kumaluskos ng malakas. Sa gulat at takot nadin niya napa takbo siya ng matulin papunta sa bahay nila, hindi siya lumilingon dahil sumusunod ang kaluskos na tila may humahabol sakanya. Ng marating niya ang kanyang bahay hindi kalayuan sa balon e napaakyat siya sa bintana dahil sarado na ang bahay. Desperado siyang maka pasok sa takot. Pag-akyat niya sa bintana laking gulat niya na yung kumakaluskos at humahabol sakanya e yung lagang aso pala niya, natawa siya at sinabi niya sa sarili niya,walang hiya kala ko hinabol ako nung white lady ikaw lang pala. Simula noon hindi nadaw siya nag lakad mag isa sa kanila sa palawan pag gabi. And never nadaw niyang sinubukang tignan muli ang lugar kung saan niya nakita ang white lady pag gabi. Bumalik siya sa dating gawi na pag malapit na sa balon e tatakbo nalang siya ng mabilis dahil baka sit sitan nanaman siya ng white lady at tuyuyan na itong lumapit sakanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender #4 : Jan Michael Sy

Age : 21

Gender : Male

Loacation : Pasay City

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: