~Bagong Taon, Bagong Takot~

Nangyari ito noong gabi ng December 31, 2005 (New year’s eve) nag decide kami nina Eva, Bessie, Avien, Kim (hindi tunay na pangalan) at ako na mag new year’s party sa chapel ng aming subdivision sa batangas since na sa amin ang susi.

Binuksan namin an ilaw at inayos and lamesa, kanya kanya kami ng dalang pagkain na kinupit pa namin sa aming mga ref pra i share sa isa’t isa. Masaya kami nun at masigla, nagsimula ang aming kasiyahan sa isang kwentuhan tungkol sa mga crush at kung anu ano pang usapin na madalas pagusapan ng mga babae hanggang sa nagsalita si Bessie,
“ano kaya kung biglang may kamay na umultaw sa bintana?”
“wag ka naman manakot ” agad kong sinabi.
“oo nga Bessie, alam mo naman na katabi natin and kawayanan at yung alam mo na”, dagdag ni Eva
nang biglang may isang kay ng lalaki ang umultaw sa bintana at naghagis ng piccolo sa loob ng chapel (si patrick lang pala yung barkada namin) at nang pumutok ito bigla na lang kaming nagsisigaw nang biglang nagpatay sindi ang ilaw, pumasok si patrick upang tignan kung sa switch ang problema at nang maayos ito ilang sandali pa at muling namatay ang ilaw at ng biglang ang usok mula sa piccolo na inakala naming wala na ay biglang nag take form ng isang babae hanggang sa tuluyang magpakita sa amin ang multo ng isang babaeng naka puti, sa takot namin hindi kami maka lapit sa lamesa para kuhanin ang aming gamit pero naglakas loob si Patrick na kuhanin ang aming mga bag at basket at dali-dali kaming hinila palabas ng chapel ngunit naunahan kami ng multo sa pinto, hinarangan nito ang aming tanging daanan palabas. Napaatras kami hanggang lumapat na kami sa pader kung saan nakaukit ang emahe ni Hesus.

Nasa unahan ng grupo si Patrick, kahit na alam namin na takot siya ay naglakas pa rin sya ng loob na pumunta sa unahan namin dahil alam nya na kasalanan nya kung bakit nagpakita ang babae (ang totoo kasalanan di namin) at nang halos magkalapat na ng mukha si patrick at ang multo ay bigla itong naglaho. Maaaring dahil ito ng imahe ng Panginoong Hesus na naka ukit sa pader?, hindi rin natin alam kung bakit basta ang isang bagay ang natutunan naming magkakaibigan na ang chapel, simbahan o ano mang lugar ng sambahan ay hindi lugar ng kasiyahan at katarantaduhan kundi lugar ng pananampalataya.

Kahit papano naman ay nakalabas kami ng mapayapa, umuwi kami sa aming mga bahay upang ipag ipag diwangang bagong taon kasama ng aming pamilya at tanging kami lang ang nakakaalam sa isang kakilakilabot na pangyayari na naganap sa isang lugar na hindi namin aakalaing magiging lugar ng takot. Pero syempre tuwing panahon ng Flores De Mayo ay matatagpuan mo kaming nakikisalo sa pagdiriwang dahil alam namin na di kami nagiisa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: