~Reunion~

May apat na magkakaibigan, pawang mga high school students at pumapasok sa iisang paaralan. Gamit ang mga pangalan nila, pinangalanan nila ang kanilang grupo ng ‘TALK’ – dahil na rin sa tuwing makikita mo sila tuwing recess at lunch, sobra sila kung magusap. Tawanan, asaran at kung ano-ano pa.


Sila Tina, Amy, Lanie at Kian ay magkakaibigan na simula pa lang nang mag first year high school sila, kaya’t dismayado silang apat ng malaman nila na hindi pare-parehong paaralan ang papasukan nila pagdating nila sa kolehiyo.

Nang makagraduate ang magkakaibigan, nagkaro’n pa sila ng munting salo-salo sa bahay ni Lanie, para kahit sa huling araw nila bilang mga estudyante ng high school ay sila-sila pa rin ang magkakasama. Nangako sila sa isa’t isa na paglipas ng limang taon, ay dapat magkaro’n silang apat ng reunion. Walang dapat absent at walang dapat umayaw o magkaro’n ng dahilan para hindi maka-attend sa nasabing reunion.
Nag-set ng date si Kian, “March 10, *year*, dapat magkita-kita tayo.”
Pa’no kung may date kami ng boss ko na’n?” Pabirong tanong ni Tina.
Eh ‘di makipag-break ka kung ayaw kang payagan!” Suhestyon naman ni Amy.
Nagkatawanan lang ang apat, at nang lumalim na ang gabi. Nagdesisyon ang lahat na umuwi na, bitbit ang mga nireregalo sa isa’t isa.
Iyon na ang huli nilang pagkikita.

Lumipas ang araw, buwan at taon. Pare-pareho silang naging abala sa pag-aaral. At unti-unti na nga nilang nalimutan ang magkamustahan o magparamdam man lang sa isa’t isa.

Isang gabi, habang himbing na natutulog si Tina, bigla na lamang s’ya naalimpungatan dahil sa kakaibang pakiramdam sa loob ng kanyang kwarto. Lumamig ang kanyang paligid at nagkaro’n s’ya ng pakiramdam na parang hindi s’ya nag-iisa.
Pumupungas-pungas s’yang naupo sa kanyang kama, at ng malinawan na n’ya ang kanyang paningin. Kahit medyo madilim, may nakita s’yang babaeng nakaupo sa paanan ng kama n’ya. Mahaba ang buhok nito at naka kamiseta itong puti.

Lumingon sa kanya ang babae, nakilala naman agad ito ni Tina.
Kian!” Usal n’ya, “kanina ka pa ba d’yan?” Tanong nito.
Hindi, kadadating ko lang.” Nakangiting sagot sa kanya ng kaibigan.
Paano ka nakapasok dito?” Tanong agad ni Tina.
Ngunit imbes na sumagot si Kian sa tanong ng kaibigan, nagpaalala lang ito sa kanya. “Friend, punta ka naman sa amin… kailangan kita do’n eh…” May halo pang panlalambing sa boses nito.
Natawa si Tina sa inasal ng kaibigan n’ya, “hindi ka na talaga nagbago, ‘pag may kailangan ka… dun ka lang naglalambing.” Ani nito. “Kailan mo ba ako kailangan?” Humahagikhik na tanong ni Tina.
Sa Lunes na ‘yun. Basta, punta ka hah? Please…” Pagpipilit pa ni Kian.
Oo na pupunta na ako. Patulugin mo muna ako.” Saka ito humiga ulit at nagtalukbong ng kumot.

Ngunit biglang may naalala si Tina, kaya’t bumangon uli s’ya mula sa pagkakahiga upang kausapin muli ang kaibigan na dumalaw, ngunit sa kanyang pagtataka, nawala din ito agad.
Labis na napag-isip dito si Tina, ni hindi man lamang n’ya naramdaman na umalis ito sa kanyang paanan o narinig na bumukas ang pinto. Dito na natakot ang dalaga at ng tiningnan n’ya ang kanyang relo sa tabi ng kama n’ya, nakita n’ya na ala-una na ng madaling araw. Lubos na nagtaka ang dalaga. Paanong nangyari nakapunta at nakapasok si Kian ng gano’ng oras sa kanilang bahay – lalo na sa kanyang kwarto? Nagtalukbong uli s’ya ng kumot at pinilit na matulog.

Lunes ng tanghali, habang naghahanda si Tina sa kanyang lakad, bigla na lamang n’yang narinig ang telepono. Sinagot n’ya ito at nabosesan n’ya ang nasa kabilang linya.
Tina, ready ka na ba d’yan?” Tanong ng babae sa kabilang linya.
Opo Ms. Kian Ramos.” Sagot naman ni Tina.
Sige, maghihintay ako sa pagdating mo…”
Teka Kian, tatanungin ko lang sana–” hindi na naituloy ni Tina ang kanyang itatanong ng marinig nitong binaba na ng kausap ang telepono.
Saktong pagbaba ng telepono, nakaramdam na naman s’ya ng ibang presensya sa loob ng kanyang kwarto. Parang may nakatitig mula sa kanyang likod. Takot man s’yang lingunin ito, naglakas loob itong lingunin sa pag-aakalang may makikita s’ya. Meron nga, ang repleksyon n’ya sa salamin, kung saan kita din n’ya ang larawan ni Kian at ang maligalig nitong ngiti sa larawan.
Napangiti si Tina, sabay labas ng kwarto.

Habang naglalakad si Tina papuntang bahay nila Kian, nakaamoy s’ya ng sampaguita. Luminga-linga ang dalaga upang maghanap ng tanim na sampaguita, ngunit dismayado ito.
Malapit na n’yang marating ang bahay nila Kian. Malayo pa lang, tanaw na tanaw n’ya ang liwanag ng ilaw na nagmumula lamang sa tarangkahan ng bahay ng kaibigan. Nang makatapat na s’ya dun, nagulat s’ya sa kanyang nakita. May ataul sa harap ng bahay nila Kian.
Agad s’yang napansin ng nanay ni Kian – si Aling Ester.
Tina, nand’yan ka na pala.” Bati ni Aling Ester sa dalaga na parang alam na dadating s’ya sa araw ding yun. Halata din dito ang medyo mugto pa nitong mata.
Tita,” Ani n’ya. “Sino ho ba ang patay?” Tanong ng nagtatakang si Tina.
Hindi muna sumagot ang naulilang ina. “Pasok ka muna sa loob.”
Pagpasok ni Tina sa loob, nagulat s’ya sa kanyang nakita. Nando’n ang dalawa n’ya pang kaibigan – sila Amy at Lanie. Ngunit imbes na ngiti ang isalubong nila kay Tina, lumapit ang dalawa upang yakapin ang dalaga at saka umiyak.

Patay na si Kian, Tina” Usal ni Lanie sabay hikbi.
Nagulat si Tina sa kanyang narinig. “Wala namang lokohan…” Sambit nito. Ngunit, hindi rin nito napigilan ang biglang pagluha.
S’ya yung nakalibing d’yan.” Sagot naman ni Amy.
Umalis si Tina sa pagkayakap ng dalawa at tinungo ang ataul sa labas ng bahay.
Hindi s’ya makapaniwala sa kanyang nakita. Nanlaki ang kanyang mga mata, at hindi na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mata.
Tama ba ito? Baka nananaginip lang ako. Baka naman palabas lang itong lahat.” Sunud-sunod na bulong nito sa sarili.
Ngunit hindi n’ya napigilang malungkot at lumuha. Ang kaisa-isang kaibigan n’yang sobrang lambing ay bigla na lamang mawawala ng walang paalam.
Sumunod si Amy kay Tina at saglit na tumingin sa labi ng kanilang kaibigan. “Kakausapin daw tayo ni Tita Ester.” Tawag n’ya dito.
Pumasok na ang magkakaibigan, umupo ang tatlo sa harap ng nanay ni Kian.
Alam n’yo mga anak…” Paninimula n’ya. “Matagal ng may sakit si Kian. Cancer sa atay ang kumuha sa buhay ng anak ko.” Nagsimula na namang lumuha ang mata ng nangulilang ina.
Lumapit ang tatlo bilang pakikiramay sa kanilang nanay-nanayan.
Tinago n’ya iyon sa inyo hanggang sa maka-graduate kayo ng high school…” Pagpapatuloy n’ya. “Nang matapos n’ya ang second year college n’ya, tumigil na s’ya sa pag-aaral dahil sa kanyang sakit. Pinilit naming labanan ang sakit n’ya, ngunit matapos ang isa’t kalahating taon, nanghina na s’ya.”
Alam n’ya na hindi na magtatagal ang buhay n’ya dito, kung kaya’t nakiusap s’ya sa akin na sana ay makausap man lang n’ya kayo, bago man s’ya, mawalan ng hininga.” Patuloy ang paghikbi ni Aling Ester, sinasabayan naman ito ng luha nila Tina, Amy at Lanie.
Ngunit nabigo ako. Hindi ko kasi alam kung saan kayo hahanapin at kung paano kayo tatawagan. Kaya bago pa man s’ya malagutan ng hininga, narinig ko ang mahinang tinig n’ya, at rinig na rinig ko ang bawat salitang sinabi n’ya. Gagawa daw s’ya ng paraan upang magkasama-sama daw kayo sa nakatakdang araw.”

Hindi na napigilan ng ina ang humagulgol, kasama ang tatlong magkakaibigan na walang patid ang pagluha. Sa gitna ng kanilang paghihinagpis, bigla na lamang napatigil si Tina.
Kaya pala bigla s’yang nagpakita sa akin nung isang gabi.” Sambit nito.
Saan?” Tanong ni Lanie, sabay pahid sa mga luha.
Sa kwarto ko.” Sagot naman ni Tina.
Kailan?” Sunod na tanong naman ni Amy.
Nung isang gabi nga lang.”
Sumingit naman si Lanie, “Nagpakita din s’ya sa akin, yun nga lang hindi ko alam kung panaginip, kasi para talagang totoo. At nung isang araw pa nga yun.”
Ako, sa sala namin s’ya biglang nagpakita. Gabi din ‘yun.” Usisa naman ni Amy. “Hindi ko naman naisip na patay na s’ya, dahil akala ko, dumalaw na lang s’yang bigla. Yun nga lang, bigla s’yang nawala.”
Kinausap n’ya ako. Tulad pa rin s’ya ng dati,” Napalalim ang isip ni Tina. “Pag nagpipilit, nanlalambing s’ya.” Dugtong pa nito.
Bahagyang napangiti ang dalawa, ngunit bakas pa rin sa mata ang lungkot. Halata dito na inaalala pa nila ang kaibigan kapag nanlalambing.
Tahimik lang na nanunuod sa kanila ang ina ni Kian. Patuloy pa rin ang pagluha nito.

Ano nga bang araw ngayon?” Tanong pa ni Tina.
A-d’yes ng Marso.” Sagot naman ni Aling Ester.
Alintana sa mukha ni Tina ang pagkagulat, kahit sila Amy at Lanie ay may naalala sa araw ding ‘yun.
Dito na napagtanto ng tatlo na si Kian pala ang nagset ng araw kung kailan muli sila magkakaro’n ng reunion, ika-10 ng Marso. S’ya din ang nagsabi na wala dapat umabsent o magdahilan na hindi makakarating sa simpleng reunion, at s’ya din ang dahilan kung bakit natuloy ang muntik na sanang maudlot na reunion.

Kumpleto na sana tayo…” Sambit ni Lanie.
Ang kaso…” Sunod naman ni Amy.
Wala na yung party-planner natin.” Malungkot na sabi ni Tina sa dalawa n’ya pang kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender 2 : Jackie

Age : 20

Gender : Female

Location : Parañaque City

 

**Ang kwentong ito ay lumabas na sa ibang Blog. Di kami ang original na nag post nito, pinost namin ito sa kadahilanan na nagpasa ang author nito sa aming nasabing email at blog. Ang orihinal nito ay inyong makikita sa http://kwentongnakakatakot.blogspot.com/**

2 Tugon to “~Reunion~”

  1. gRaveh kaka klabot ng kwento

    kaka klabot at nkaka iyak 2ngkol

    sa friendship ang story!!!!!!!

    gumawa talaga ng paraan c kian

    pra mag kitakita sila sa reunion!!!!!!

    nC st0ry!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. Ang ganda naman ng story na yan!kakaiyak na medyo nakakatakot!akalain mo yung araw ng reunion nila ay natuloy pero imbis na kasiyahan ay kalungkutan ang nadatnan nila!by:georgebill,willen,norman,laureto

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: