~Bluebaby~

Naniniwala ba kayo na totoong may “Asuwang, Maligno, Multo, Engkanto at iba pang di nakikitang nilalang”? Siguro merong “Oo” at merong “Hindi”. Lalo na yung mga taong laki sa syudad, Kadalasan kasi ang iba tao ay hindi kaagad naniniwala, lalong-lalo na kung hindi nila mismo nakikita o nararanasan.


Sa probinsya sa Davao merong dalawang mag-asawa na pansamantalang naninirahan sa baryo ng Davao. Di ko alam kung anung eksaktong name ng baryo iyon. Sila ay mayroon anim na anak, tatlong babae at tatlong lalake. Sila ay si Phauleen at PJ ang mag-asawang. Sa mga panahong iyong nagdadalang tao si Phauleen sa kanyang magiging bunsong anak. Okey naman ang pamumuhay nila roon bilang pamilya hanngang sa dumating na ang buwan ng kanyang kapanganakan.

Sa kadahilan na malapit ng lumabas ang nasa sinapupunan ng kanyang asawa. Dinala niya ito sa kumadrona sa baryong iyon. Pinagtanong-tanong pa nila kung saan may kumadrona at doon nga sila itinuro. Dahil sa gusto ni PJ na masiguro na maging maganda at maayos ang panganganak ng kanyang asawa ay madalas nya itong dinadala sa kumadronang ito.

Hanngang sa dumating na ang araw ng kanyang panganganak, Sa pagkakataon iyong kumaripas ng takbo at nagmamadali pumunta si PJ upang sunduhin ang Kumadrona sa kanyang bahay. Sa Pagdating ng asawa agad-agad sinuri ng kumadronang matanda ang nagdadalang taong si Phauleen. Naghihintay sa labas si PJ at di mapakali dahil sa naririnig na unggol at sigaw ng asawa na nahihirapan. Lumipas na ang ilang oras pero di parin nanganganak ang kanyang asawa. Sobra na ang kanyang pag-aalala kaya sinilip niya ito. Sa kanyang pagsilip pansamantalang nagpaalam sa kanya ang kumadronang matanda dahil may bibilin daw sya. Kaya habang wala pa ang kumadronang matanda si PJ muna ang nagbantay sa asawa. Pagod na pagod na ang kanyang asawa at hinang-hina na ang kanyang katawan hindi niya alam kung kakayanin pa niyang mailabas ang kanyang anak.

Sa paglipas ng mga oras ay hindi pa bumabalik ang matandang kumadrona kaya sobra na ang pag-aalala ni PJ ng mga oras na iyon.Sinuri niya ang tiyang ng kanyang asawa ng makita niya na parang may mali sa pagkakalagay ng bigkis sa tiyan ng asawa. Kaya agad-agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na kakilala niya. Buti nalang ang nalapitan niyang kapitbahay ay may kilala pang isang kumadrona at isinama nila ito at dinala sa kanyang asawa na nanghihina nah. Nagulat ang kumadrona sa kanyang nakita.. “Panu raw makakalabas ang bata kung ang bigkis ay nasailalim ng tiyan, Binabarahan niya ang lagusan ng lalabasan ng sanngol.” Kaya agad-agad na initusan ng kumadrona kumuha ng langis o baby oil si PJ upang matanggal ang nanunuyong bigkis sa tiyan ng asawa. Sabi ng kumadrona mukha Asuwang daw ang nakuha nilang unang kumadrona kasi daw balak patayin ang bata sa loob ng tiyan ni Phauleen. Mukhang balak kainin ang nasa sinapupunan ng iyong asawa. Kapag daw patay na ang sanggol sa tiyan na nanay maaari ding mamatay ang nanay, sa pagkakataon iyon dun na sasalakay ang aswang lilipad sya sa bubungan at kakahinin ang sanggol sa tiyan ng nagdadalang tao. Ang sabi ni PJ kaya pala ganun nalang kasama tumingin ang kumadronang matanda na yon at kakaiba ang kanyang mga kinikilos isa pala siyang “Asuwang”.

Sa paglipas ng ilang oras itinuloy na nila ang panganganak ni Phauleen. Kahit nanghihina na si Phauleen pinilit parin niyang mailabas na maayos ang kanyang anak. Sa awa ng diyos successful na lumabas ang sanngol, ngunit may problema ang sanngol ng lumabas di siya umiyak at iba ang kulay niya. “Kulay blue” siguro dahil natagalan na siya sa loob ng tiyan ni Phauleen kaya nagkaganun. Malungkot sila sa nangyari pero isang milagro ang nangyari nabuhay ang bata, nag-iiyak ang sanngol, sa pagkakataon iyon napawi ang kalungkutan ng mag-asawa ganun din ang pagod ng bagong panganganak na nanay. Agad-agad naman ginawan ng paraan ng kumadrona upang bumalik sa dating kulay ang sanggol. Pinangalan nila ang bata na “Junior” kasi siya na ang huli at bunso nilang magiging anak.

Sa pagsikat ng araw agad-agad nilang hinanap ang unang kumadrona bumalak pumatay sa kanyang mag-ina. Nagpatulong siya sa buong baryo at nagtatanong kung nakita nila o kilala ang matandang kumadrona ito. Sa kanilang pagtatanong at paghahanap may nakausap sila mga tao na napapatotoo sa kanilang hinala, “Oo” daw aswang daw ang kumadrona nilang nakuha ayun daw ang kumadrona bumiktima sa kabilang baryo. Sinabi sa kanila kung papaano raw malalaman na aswang ang isang tao.

Malalaman mo raw ang isang tao na may lahing asuwang kapag ikaw ay tumingin sa kanyang mga mata. Kung siya ay iyong tititigan sa kanyang mga mata, mapapansin mo raw na ang imahe mo ay nakabaligtad sa kanyang mata. Ibig sabihin ang iyong ulo ay nasa ibaba at ang iyong paa ay nasa itaas.

Kung sila naman ay nag-lalakad, ang harap ng kanilang mga paa ay naka-baligtad din. Ang mga daliri ng paa ay nakaharap sa likod ngunit sila ay nag-lalakad pa rin na tulad ng normal na pasulong. Kung sila naman ay natutulog, para silang mga paniki na naka-tiwarik, nakasabit ang paa sa mga kahoy na nakalatay sa kisame.

Maaari mo rin daw malaman na isang Asuwang ang isang tao sa pamamagitan ng langis na may dasal o orasyon. Ang langis na ito na galing sa langis ng niyog ay hinahaluan ng ibat-ibang mga dahon o sanga-sanga. Ito ay dinadasalan ng katolikong dasal at nilalagay sa pinto o altar ng bahay.

Tuwing may lalapit o dadaanan na isang Asuwang, ang langis daw na ito ay kukulo. Hindi hihinto sa pag-kulo hanggat ikaw ay nasa malapit sa Asuwang o kapag ang Asuwang ay dumadaan. Maari mo rin daw ito ipang-laban sa Asuwang halimbawang ikaw ay lapitan o saktan, sabuyan mo lang ng konting langis ay mapapaso na at tatakbo ang asuwang palayo.

At simula noon hindi na nila nakita ang Asuwang na kumadrona, Hindi na ito bumalik sa kanyang tirahan. Sa paglipas ng ilang buwan umuwi na ng maynila ang mag-anak at doon ay nanirahan na ng maayos na baon-baon ang kanilang di malilimutan nilang karanasan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender 3 : Roan

Age : 21

Gender : Male

Location : Baclaran Parañaque

**Ang kwentong ito ay lumabas na sa ibang Blog. Di kami ang original na nag post nito, pinost namin ito sa kadahilanan na nagpasa ang author nito sa aming nasabing email at blog Ang orihinal nito ay iyong makikita sa roanlistech.wordpress.com**

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: