~Bahay~

Ako po si Anne gusto kong ibahagi ang kwento ng buhay ko tungkol sa mga nararanasan ko noong ako ay bata pa lamang at hanggang ngayun na ako ay may anak na. Ito ay tungkol sa mga di nakikitang nilalang at di nakikita ng mga ordinaryong tao lamang na di biniyayaan ng kakaibang kakayahan.


Ako ay pinanganak sa Pampanga sa baryo ng Sta.Ana noong Disyembre 14, 1988. Kami ay nanirahan sa Baclaran sa may Sta Rita sa may likod ng simbahan. Bata palang ako ay may kakaiba na akong nakikita na hindi ko maiintindihan at maipaliwanag marahil ay musmos pa ang aking kaalaman . Hangang sa aking pagtanda ito ay patuloy ko paring nararanasan di ko alam kung bakit at kung bakit ako .

Nag umpisa ito noong ako ay anim na taong gulang pa lamang, mag-isa akong naglalaro sa aming bahay una ay may narinig akong na sumisitsit akala ko mama ko kaya di ko nalang pinansin pero ung pag tingin ko isang babaeng nakaputi ang tumatawag sakin di ko pa alam ang multo noon kaya kinausap ko ito nilapitan at tinanong ko kung sinu siya at bigla nalang itong naglaho. Hangang sa pagpasok ko ng eskwelahan ay nakikita ko siya. pagkalipas ng ilang taong nag-aaral na ako sa kilala Chinese School Pasay grade 4 na ako nun habang nagklaklase kami ng mga bandang 2:40pm ay lumabas ako para umihi.

Nasa loob ako ng cubicle may pumasok nakita ko ang mga paa niya na nakatayo sa harap ng cubicle kung saan ako naihe ang sabe ko ate may tao po hindi ito sumagot tumayo ako at nag suot ng aking salawal pagbukas ko ng pinto walang katao-tao kaya tumakbo na ako pabalik ng klasroom. Marami akong nakikita hangang sa aking pagdadalaga. Ang hindi ko malimutan ay nung ako ay nagdadalang tao laging may batang nasunod sakin at nananaginip ako ng kinukuha daw ang bata sa loob ng sinapupunan ko sinabi ko ito sa mga kaibigan at kapatid ko sabi nila pagbuntis daw laging paranoid pero sa loob ko hindi naman siguro, hangang isang gabi habang nag-uusap kami ng kuya ko tungkol sa mga nakikita ko sabi niya mag-dasal lang daw ako palagi biglang may pumindot ng bintilador namin at ito ay namatay, doon ay naniwala ang kapatid ko sa mga sinasabe ko.

Hangang sa manganganak na nga ako hindi parin nila ako tinantanan sa hospital nakikita ko sila nanakasunod sakin nag 50/50 kami ng anak ko sa awa ng diyos ay buhay pa kami. Pero hinde natapos ang kamalasang ito, natutulog kami mag-ina sa sofa saktong 3:00am ng madaling araw ay naihi ako pag labas ko ng banyo nagulat ako sa akin nakita hindi siya multo pero nasa saig na ang anak ko 28 days palang siya noon d pa siya marunong gumapang o bumaliktad kaya labis nalang ang aking pagtataka kung pano siya napunta sa sahig hangang kinabukasan nagkasakit ang anak ko ang taas ng lagnat nya tumitirik pa ang mata hindi ko alam ang gagawin ko noon kaya dinala ko agad ito sa hospital ang sabi ng mga doctor ay may sepsis daw ang anak ko.


Makalipas ang ilang araw isang matanda nagsabe sakin pabinyagan ko daw ang anak ko kasi ang mga aswang daw kahit nasa syudad ka ay gumagala. Gumaling ang anak ko at nag desisyon kaming pabinyagan ito bago kami lumipat ng bahay.Napagdisisyonan naming limipat ng bahay noong Mayo 29, 2008 sa may Bacoor Cavite una akala ko magiging okey na ako pero mas grabe pa ang mga sumunod na nangyari sa bahay na ito. Isang gabi naglalaro ako ng dota sa baba ng bahay naming inabot ako ng 3:00am ng madaling araw tulog na lahat ng mga kasama ko nag biglang may nakita akong itim na babae sa kusina namin tumakbo ako paakyat ng kwarto namin, ikaw ba naman makakita ng ganun ewan ko lang kung hindi ka kumaripas sa pagtakbo . Sa mga sumunod na araw naman ay ang mga kaibigan kong nakitulog sa aming bahay ay may kakaibaa ring naranasan may naririnig daw silang iyak ng babae at sa lahat ng mga nakikitulog samin iisa lang ang kwento nila iyon nga ay ang naiyak na babae. Akala ko ako lang ang nakakaranas ng ganun, pati pala mga taong bumibisita sa bahay namin ay nagpapaamdam sila . Isang beses kinuwento ko ito sa bestfriend kong si hydz.. isang beses ay pumunta siya kasama ang pinsan niyang si ate Mhai at pamangkin na si Lance umakyat siya sa kwarto naming ang sabi niya sakin ang bigat daw sa pakiramdam ng bahay namin kaya nag pasya na silang umuwi kaagad at huwag na magpahabot ng gabi. Hangang nagpasya kami na mag alay ng tatlong manok sa buong bahay namin dahil isa-isa na kaming nagkakasakit sa hindi malamang dahilan. Pag katapos nun ay naging maayos na ang aming mga pakiramdam pero ang hindi naalis ay ang mga nagpaparamdam na hindi matahimik na mga nilalang hangang nasanay nalang kami kasama sila hangang ngayon….

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Story Sender 1 : Keizaky ting

Address: Baclaran Parañaque City

Age : 21

Gender : Female

**Ang kwentong ito ay lumabas na sa ibang Blog. Di kami ang original na nag post nito, pinost namin ito sa kadahilanan na nagpasa ang author nito sa aming nasabing email at blog. Ang orihinal nito ay inyong makikita sa roanlistech.wordpress.com**

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: